Calendar
Bahay sinalakay ng mga parak, baril na walang lisensya nakuha
TIMBOG ang 43-ayos na kelot na nag-iingat ng hindi rehistradong baril sa ginawang pagsalakay ng pulisya sa kanyang tirahan Linggo ng madaling araw sa Muntinlupa City.
Sa bisa ng search warrant na inilabas ni Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Executive Judge Liezel A. Aquitan ng Branch 205, pinasok ng mga tauhan ni Muntinlupa police chief P/Col. Robert Domingo ang bahay ng suspek sa Purok 3 PNR Site dakong ala-1:01 ng madaling araw.
Nakumpiska ng pulisya sa suspek na may alyas “Victor Gupit” ang isang kalibre .38 revolver na kargado ng isang bala at burado ang serial number.
Pinuri naman ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Randy Arceo ang mabilis na aksiyon ng Muntinlupa police na aniya ay nagpapatunay sa kanilang maigting na kampanya laban sa mga indibiduwal na nag-iingat ng hindi lisensiyadong armas na isa aniyang paraan upang mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa bawat komunidad.
