Calendar
San Pablo fire 1 todas, 5 sugatan
ISA ang nasunog ng buhay at lima ang nasugatan sa sumiklab na sunog sa Brgy. 2-C, San Pablo City, Laguna noong Linggo.
Sa ulat ng Bureau of Fire Protection-San Pablo, hindi nakaligtas ang namatay na si alyas Rolando, 62, dahil kumalat na ang apoy bago pa siya makalabas.
Nakilala naman ang mga nasugatan sa sina Medina Abril, 56; Anita Castro Bustarde, 74; Josephine Alon, 72; Alberto Bustarde, 78; at Rina Fe Clerigo, 30.
Sa report ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) umabot sa 19 na pamilya o 78 katao ang naapektuhan ng sunog na nag umpisa dakong ala-1:10 ng hapon.
Naapula ang sunog ng mga firefighters mula sa Calauan, Alaminos, Rizal Seven Lakes Fire Volunteers at Fil-Fires volunteers.
Nagpadala ng tulong sa mga nasunugan si Laguna Congressman Loreto Amante.

