Germany kukuha ng 600 Pinoy nurse

174 Views

KUKUHA ang Germany ng 600 nurse mula sa Pilipinas para sa kanilang mga ospital at elderly care center.

Ayon sa embahada ng Germany, kailangan ay mayroong hindi bababa sa isang taong work experience ang aplikante.

Alinsunod sa Triple Win Project (TWP) ng Germany, ang mga aplikante ay dapat na magsumite ng aplikasyon sa Department of Migrant Workers.

Ang mga aplikante ay kailangan marunong magsalita at nakakaintindi ng German language.

Ang mga interesado ay kailangang magsumite ng curriculum vitae at litrato, kopya ng pasaporte, notaryadong nursing diploma, board certificate at kopya ng lisensya mula sa Professional Regulation Commission (PRC), at certificate of employment.

Sa Setyembre 30, 2022 ang deadline ng pagsusumite ng aplikasyon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Central Office at mga sangay nito.