Batangas

Dayber arestado sa kasong tangkang pagpatay

84 Views

Batangas1

KAMPO HENERAL MALVAR, Lungsod ng Batangas-Nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng Talisay Municipal Police Station (MPS) na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang provincial most wanted person sa Brgy. Fábrica, Lobo, Batangas.

Ang akusado, ayon kay Batangas Police Director PCOL Marlon V. Rufo, ay nakilalang si alyas Manolo, 61, ng Tondo, Manila, at kasalukuyang naninirahan sa San Guillermo St., Brgy. Bayanan, Lungsod ng Muntinlupa.

Si Manolo ay inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ng Presiding Judge, Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 6, ng Tanauan City, Batangas, na may petsang June 20, 2016, para sa kasong frustrated murder na may inirekomendang piyansa na P200,000.

Ang akusado ay inabisuhan din tungkol sa kanyang mga karapatang konstitusyonal at kasalukuyang nasa kustodiya ng istasyon ng pulisya ng bayan para sa tamang disposisyon.