Remulla

Kalihim ng DILG inako pagkukulang sa tumaas na bilang ng sunog

Alfred Dalizon Apr 6, 2026
93 Views

KASALANAN ko.”

Ito ang matapang at tapat na sagot ni Department of the Interior and Local Government Secretary Juanito Victor Remulla Jr. ng tanungin kung bakit tumaas ang bilang ng mga sunog lalo na noong Holy Week.

Sa data ng Philippine National Police mula March 29 hanggang April 5, 170 fire incidents ang naganap kumpara sa 82 sa parehong period noong 2025.

“Part of this is my fault, the delayed procurement of fire trucks. Napakahirap po ang reform agenda namin. Inaangkin ko po ang responsibilidad sa lack of fire trucks kasi ginawa ko na ang lahat ng gagawin to stop corruption sa bureau,” sabi ng kalihim.

Ayon sa DILG chief, inutos niya ang relief ng 902 BFP Fire Safety Inspectors (FSIs) sa Metro Manila para sa pagpapalakas ng accountability at transparency sa agency.

“Nilagyan na ng bodycams lahat ng fire inspectors to record all their transactions pero ang transactions sa telepono pa din. Kinasuhan ko na ang chief nila and 45 others pero hindi pa rin tumigil,” sabi ni Remulla.

Nasa 10 complaints na ang natanggap niya simula ng i-relieve ang director ng BFP.

“There is only one organized crime group right now na nasa BFP pero hindi lahat involved. From admission to procurement to firefighting, dapat itigil na yan,” ayon sa kanya.

Ayon kay BFP officer-in-charge Fire Chief Superintendent Rico Neil A. Kwan, pwedeng i-assign ang mga BFP personnel sa labas ng national capital region kung kulang ang qualified inspectors sa NCR.

“If the BFP-NCR lacks sufficient qualified personnel, staff from other regions will be tapped to fill the gap,” sabi ni Kwan Tiu.

Sinipa sa pwesto si BFP Director Jesus Fernandez dahil sa mga alingasngas ng graft and corruption at P14.7-million na umano’y kickback sa procurement ng ambulances noong 2024.