Oil Larawan: Sharon S. Garin/IG

Ginhawa sa motorista aasahan, presyo ng langis bababa

261 Views

ASAHAN ang malaking ginhawa sa mga motorista ngayong linggo.

Ayon kay Sharon Garin, may inaasahang rollback sa presyo ng langis simula Martes, Abril 14, base sa pagtataya ng Department of Energy.

Pinakamalaki ang ibababa sa diesel na aabot sa ₱20.89 kada litro. Susunod ang kerosene na bababa ng ₱8.50, habang ang gasolina naman ay may rollback na ₱4.43 kada litro.

Ibinatay ang pagtatayang ito sa galaw ng pandaigdigang presyo ng langis sa nakalipas na limang araw kumpara sa nakaraang linggo.

Nilinaw ng DOE na maaaring mag-iba ang aktwal na presyo depende sa oil companies, ngunit inaasahan na ito ang minimum na magiging bawas-presyo sa mga pump.