Calendar
Kinilala ni Police Lt.Col.Maria Agbon ang babaeng suspek sa qualified theft na naaresto sa Malate, Manila. JONJON C. REYES
Dalaga, 40, diretso selda sa 19 bilang na pagnanakaw
INARESTO ng mga operatiba ng MPD Malate Police Station ang isang 40-anyos na dalaga dahil sa 19 na bilang ng qualified theft matapos magsagawa ng manhunt operation ang mga operatiba ng Warrant Section sa kahabaan ng Estrada Street corner Taal na sakop ng Brgy 748 sa Malate, Manila.
Kinilala ang akusado na si alyas Mariel, 40, residente ng Consuelo St,Brgy 762, Malate.
Ayon kay Police Lieutenant Col. Maria Agbon, hepe ng MPD Malate Police Station 9, bandang 2:30 p.m. nang ikasa ang operation sa pamumuno ni PLt. Micheal Olaer, ng Warrant Section, kung saan naispatan ang akusado.
Bitbit ng mga operatiba ang arrest warrant na ilaban sa akusado na inisyu ni Judge Anne Perpetual Suñga Rivera Sia, ng National Judicial Region, Regional Trial Court Branch 20.
Inirekomenda ng korte ang halagang P640,000 para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

