Calendar
Mag-amang bumaril, sumaksak sa binata sa loob ng computer shop sumuko


SUMUKO na ang mag-amang suspek sa pagpatay sa isang 46- anyos na binata sa loob ng isang computer shop na matatagpuan sa GK Comp.Brgy 105 sa Tondo, Manila, Lunes ng umaga.
Nahagip sa CCTV kung paano binaril at pinagsasaksak ng mga suspek ang biktima na nakilala bilang alyas ‘Jonjon’.
Ayon sa nakarating na ulat kay Police Major Dave Garcia, hepe ng MPD Homicide Section, mula kay PMSg Roderick Magpale. bandang bandang 10:03 ng gabi nitong Martes kusang sumuko ang mga suspek sa himpilan ng Raxabago Police Station1 kung saan positibong kinilala din sila ng mga saksi.
Nabatid sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya at batay sa salaysay ng saksi naglalaro ng computer games ang biktima sa loob ng computer shop nang pumasok ang mga suspek at tinutukan ito ng baril at kutsilyo.
Kitang kita sa CCTV ang pagmamakaawa ng biktima.
Ilang putok ng baril at saksak ang tinamo ng biktima hanggang sa humandusay ito na duguan.
Mabilis na tumakas ang mga suspek bitbit ang ginamit na patalim.
Naisugod pa sa Gat Andres Hospital ang biktima subalit idineklara itong patay habang ginagamot.
Napag-alaman ni PMSg Magpale na sinisingil ng suspek ang biktima sa kanyang pagkakautang at ipinabarangay pa ito.
Hindi umano sumipot ang biktima sa barangay.
Nang napag alaman ng mga suspek na naglalaro sa computer shop ang biktima ay sinugod nila ito at pinagbabaril at pinagsasaksak umano ito.

