Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Suspek Kinilala ni Police Lt.Col.Maria Agbon ang babaeng suspek sa qualified theft na naaresto sa Malate, Manila. JONJON C. REYES

Dalaga, 40, diretso selda sa 19 bilang na pagnanakaw

Jon-jon Reyes Apr 15, 2026
284 Views

INARESTO ng mga operatiba ng MPD Malate Police Station ang isang 40-anyos na dalaga dahil sa 19 na bilang ng qualified theft matapos magsagawa ng manhunt operation ang mga operatiba ng Warrant Section sa kahabaan ng Estrada Street corner Taal na sakop ng Brgy 748 sa Malate, Manila.

Kinilala ang akusado na si alyas Mariel, 40, residente ng Consuelo St,Brgy 762, Malate.

Ayon kay Police Lieutenant Col. Maria Agbon, hepe ng MPD Malate Police Station 9, bandang 2:30 p.m. nang ikasa ang operation sa pamumuno ni PLt. Micheal Olaer, ng Warrant Section, kung saan naispatan ang akusado.

Bitbit ng mga operatiba ang arrest warrant na ilaban sa akusado na inisyu ni Judge Anne Perpetual Suñga Rivera Sia, ng National Judicial Region, Regional Trial Court Branch 20.

Inirekomenda ng korte ang halagang P640,000 para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.