Pagasa

Bagyong Inday lalong lumakas

180 Views

MAS lalong lumakas ang bagyong Inday at umakyat na ito sa tropical storm category.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) magdadala ng pag-ulan ang bagyo sa malaking bahagi ng Luzon bagamat maliit ang tyansa na ito ay mag-landfall.

Umaabot na umano ang bilis ng hangin ng bagyo sa 100 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugso na hanggang 125 kilometro bawat oras.

Magiging maalon din umano karagatan sa kaya nagbabala ang PAGASA sa paglalayag ng mga maliliit na sasakyang pangdagat.

Umuusad ang bagyo sa bilis na 20 kilometro bawat oras pa-hilagang kanluran at inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa susunod na linggo.