Pangandaman

Marcos admin may P3.7B para sa feeding program sa 2023

297 Views

MAYROONG nakalaang P3.7 bilyon sa susunod na taon para sa Supplementary Feeding Program (SFP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga bata.

Ito ay ayon sa Department of Budget and Management (DBM) na siyang naghanda ng P5.268 trilyong national budget para sa 2023.

Ayon sa DBM, ang SFP ay mayroong dalawang subprogram—nag regular feeding at ang pamimigay ng gatas sa mga bata.

Sa regular feeding program, ang target ay mapakain ang 1.8 milyong bata upang mabigyan ng sapat na nutrisyon ang mga ito.

Nasa 157,968 malnourish na bata naman ang target na matulungan ng milk feeding program.

Sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na pinahahalagahan ng gobyerno ang mga kabataan na siyang kinabukasan ng bansa.

Ang feeding program ay nasa ilalim ng Masustansyang Pagkain para sa Batang Pilipino Act (Republic Act 11037).