Bus SOURCE: Larawan mula sa FB/Pagbilao MDRRMO

Pampasaherong bus nahulog sa bangin mula sa madilim na kalye, 2 patay

45 Views

DALAWA ang nasawi habang hindi bababa sa 39 katao ang sugatan matapos maaksidente ang isang pampasaherong bus sa Sitio Upper Sapinit, Barangay Silangang Malicboy, Pagbilao, Quezon bandang alas-8 ng gabi nitong Lunes, Abril 20.

Batay sa ulat, patungong Maynila ang bus nang mangyari ang insidente, kung saan punô ito ng mga pasahero.

Agad na rumesponde ang mga awtoridad upang magsagawa ng search and rescue operations at bigyan ng paunang lunas ang mga biktima. Dinala naman sa pinakamalapit na ospital ang mga sugatan para sa karagdagang gamutan.

Sa paunang imbestigasyon, lumitaw na madilim at kulang sa ilaw ang bahagi ng kalsada kung saan naganap ang aksidente, na posibleng nakaapekto sa biyahe ng sasakyan. Patuloy pa ang imbestigasyon upang matukoy ang iba pang sanhi ng aksidente.