Mandatory drug test sa mga parak-Batangas ginanap

31 Views

BatangasBatangas1Batangas2

SUMAILALIM sa mandatory drug testing ang 284 na pulis sa Batangas bilang bahagi ng cleansing efforts noong Lunes sa Camp Gen. Miguel Malvar, Brgy Kumintang Ilaya, Batangas City, ayon kay P/Col. Meliton Salvadora Jr., hepe ng Batangas police.

Ang mandatory drug test ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng Provincial Administrative and Resource Management Unit at Batangas Provincial Forensic Unit upang matiyak ang pagiging patas at katumpakan sa mga pamamaraan.

Gusto ng hepe ng Philippine National Police na mapanatili ang drug-free na trabaho at tiniyak na ang lahat ng mga miyembro nito ay sumusunod sa pinakamataas na pamantayan ng integridad at disiplina.

Sinumang tauhan na mapapatunayang positibo sa ilegal na substansiya ay haharap sa administratibo at kriminal na kaso, ayon sa PNP.