Laguna police nakaaresto ng 1,670 suspek sa illegal gambling

Gil Aman Apr 21, 2026
34 Views

CAMP BGEN. PACIANO Rizal–Umabot sa 1,670 na suspek sa sugal ang inaresto ng Laguna police mula Enero 1 hanggang Abril 20.

Ayon sa ulat ni P/Col. Sandro Jay DC Tafalla, provincial director ng Laguna police, nagsagawa ang mga pulis ng 852 anti-illegal gambling operations. kabilang ang 160 operasyon kontra bookies na nagresulta sa pagkakaaresto ng 164 na indibidwal at 692 operasyon laban sa iba’t-ibang sugal na nagresulta sa pagkakaaresto ng 1,506 katao.

Aabot sa P428,482 ang nasamsam na taya sa mga operasyon.

Nakapagsampa ang Laguna police ng 227 kaukulang kaso at 625 ang napatawan ng multa.

“Ang mga naitalang accomplishment ng Laguna PNP laban sa illegal gambling ay malinaw at patunay ng aming dedikasyon sa pagpapatupad ng batas at mga umiiral na ordinansa laban sa pagsusugal,” pahayag ni Tafalla.