6 sugatan sa truck na nahulog sa bangin

Zaida Delos Reyes Apr 21, 2026
31 Views

ANIM ang nasugatan ng mahulog sa bangin ang truck na kargado ng semento malapit sa Lal-lo airport sa Cagayan noong Lunes, ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Nailigtas ang mga biktima ng mga sundalong Pinoy at Amerikano na kalahok sa Balikatan exercises, ayon sa AFP.

Apat sa mga biktima ang inalis sa pagkakaipit sa truck at dinala sa ospital.

Nawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng truck kaya’t nahulog ito sa bangin.

Dalawa sa mga biktima na nasa kritikal na kalagayan ang inilipad papunta sa ospital ng HH-60 Black Hawk helicopter.

Nasaksikhan ng mga US Marines ang insidente kaya’t agad silang tumulong at tumulong din sa rescue-operation ang mga tauhan ng 17th Infantry Battalion sa ilalim ng Joint Task Force Tala.

Lahat ng biktima ay pawang mga sibilyang Pinoy at walang militar.