Mendoza

LTFRB sinuspinde mga sasakyan ng kumpanya na sangkot sa aksidente sa Pagbilao

Jun I Legaspi Apr 21, 2026
27 Views

IPINAG-utos ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang 30-araw na suspensyon sa operasyon ng 9 na yunit ng Del Monte Motor Works, Inc. matapos ang malagim na aksidente sa Pagbilao, Quezon noong Abril 20.

Dalawa ang nasawi habang 31 ang nasugatan sa aksidente.

Ayon kay LTFRB Chairman Atty. Vigor D. Mendoza II, naglabas na ng show cause order (SCO) laban sa operator ng bus company kaugnay ng aksidente.

“Bibigyan natin sila ng pagkakataon na ipaliwanag ang kanilang panig bilang bahagi ng due process,” ani Chairman Vigor.

Naganap ang aksidente sa Brgy. Silangang Malicboy, Pagbilao at binigyang-diin ni Mendoza na ang insidente ay posibleng paglabag sa mga regulasyon hinggil sa ligtas na transportasyon ng mga pasahero.

Walo pang yunit ng kumpanya ang suspendido habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Inatasan din ang operator na magsumite ng maintenance records ng lahat ng bus, habang ang driver ay obligadong sumailalim sa drug test at seminar sa public safety.

Itinakda ang unang pagdinig sa Mayo 7, 2026. Binalaan ni Chairman Vigor na ang hindi pagsunod sa SCO ay magreresulta sa P5,000 multa at posibleng mas mabigat na parusa batay sa ebidensiya ng LTFRB.