Leni Larawan: Gerry Cacanindin via Kiko Pangilinan/FB

Kiko nilinaw na di siya naghahanap ng tagapagligtas kay Leni

32 Views

NILINAW ni Kiko Pangilinan na hindi siya naghahanap na maging “tagapagligtas,” kundi nakatuon sa paghahanap ng konkretong solusyon sa mga problemang kinahaharap ng bansa.

Sa kanyang social media post, iginiit ng dating senador: “I am not looking for a ‘savior’. I am focused on finding a winnable, achievable solution to a serious problem besetting us all.”

Dagdag pa niya, “The people are the messiah,” na binibigyang-diin ang papel ng mamamayan sa pagbabago at pagresolba ng mga isyung pambansa.

Sinabi ito ni Pangilinan matapos isiwalat ni dating Vice President at ngayon ay Naga City Mayor Leni Robredo na hindi siya tatakbo sa pagkapangulo sa 2028. Maraming nalungkot sa ibinalita ni Robredo gayong isa siya sa nakikitang kayang tumapat kay Vice President Sara Duterte, na nagpahayag naman na tatakbo bilang pangulo sa 2028.