Hepe ng parak sa PRO 4A nagpalitan
Apr 24, 2026
Noveleta TODA members, bangkero nakatanggap ng ayuda
Apr 24, 2026
Calendar
Larawan: PTV
Nation
Mask requirement, ipinatupad sa pagtestigo ng dating ex-DPWH exec
Peoples Taliba Editor
Apr 24, 2026
32
Views
NAGPATUPAD ng mandatory face mask sa Sandiganbayan Third Division nitong Biyernes, Abril 24, kasunod ng pagharap at pagtestigo ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo.
Ayon sa korte, kinakailangang magsuot ng face mask ang mga nasa loob ng courtroom bilang pag-iingat sa posibleng pagkalat ng sakit, matapos isumite ng prosekusyon ang medical certificate ni Bernardo.
Batay sa naturang dokumento, dumaranas si Bernardo ng chronic rhinosinusitis, follicular pharyngitis, at acute bronchitis—mga kondisyong may posibilidad na makahawa, lalo na sa saradong lugar tulad ng courtroom.
Dahil dito, agad naglabas ng abiso ang dibisyon upang tiyakin ang kaligtasan ng lahat ng dadalo sa pagdinig, kabilang ang mga abogado, kawani ng korte, at publiko.
BI naharang mga Pinoy na nirecruit magsundalo abroad
Apr 24, 2026

