Kabiyak ni Mike Defensor sinabing walang basehan mga paratang

32 Views

NAGLABAS ng paliwanag ang maybahay ni dating Congresman Mike Defensor na si Julie Defensor kaugnay ng kasong human trafficking na inirekomenda ng NBI laban sa kaniya at kaniyang anak.

Ayon sa pahayag ni Julie Defensor, walang basehan at malisyoso ang mga alegasyon laban sa kaniiya, kaniyang anak at kanilang negosyo.

Sa pahayag, ipinaliwanag nitong wala silang koneksyon sa estabilisyimento sa Pasig City na inoperate ng NBI.

Dahil sa insidente aniya, nasa isang libong empleyado na ang nawalan ng trabaho.

Ito ay dahil lamang sa pagkakaugnay ng mga kumpanya sa kaniyang mister na si Mike Defensor.

Panawagan ni Julie Defensor kay NBI Director Melvin Matibag na harapin ng direkto si Mike Defensor at huwag nang idamay ang pamilya nito at ang daan-daang inosenteng mga empleyado.