PCG

PCG itinalagang auxiliary commodore si VM Atienza

Edd Reyes Apr 25, 2026
112 Views

PCG PCGNANUMPA bilang Auxiliary Commodore ng Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA) si Manila Vice Mayor Chi Atienza noong Huwebes ng hapon sa headquarters ng Philippine Coast Guard (PCG).

Nangako ang bise alkalde na itataguyod niya ang kaligtasan ng buhay at ari-arian sa karagatan.

Bago pa pumasok sa pulitika nasaksihan na niya ang buhay ng mga naninirahan sa Baseco at ang tunay na epekto ng tungkulin ng Coast Guard.

Kinilala rin ng bise alkalde ang gabay sa kanya ng mga magulang na sina Beng at dating Mayor Lito Atienza kaugnay sa pagpapanatili ng integridad sa pamumuno.

Tiniyak niya kay PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan at iba pang flag officers na magiging katuwang nila ang Maynila sa kanilang mga pagsisikap sa kaligtasan sa dagat.

“Rest assured that we will make sure Manileños realize and appreciate the importance of maritime security in our city,” paliwanag ni Atienza.