Sunog

Maraming negosyo apektado sa sunog sa Commonwealth Market

Jun I Legaspi Apr 25, 2026
132 Views

Sunog1Sunog2Sunog3

NASUNOG ang Commonwealth Market noong Abril 25 at umabot sa ikalimang alarma bago naapula ang apoy ng Quezon City Bureau of Fire Protection (QC-BFP).

Rumesponde ang mga bumbero at naapula ang sunog bandang alas-6:00 ng umaga at nagdeploy ng emergency medical response team ang Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QC-DRRMO) upang tiyakin ang atensyong medikal para sa mga nangangailangan.

Nakikipag-ugnayan na ang Market Development and Administration Department (MDAD) at Business Permits and Licensing Department (BPLD) sa pribadong lessor ng palengke at Philguaranty na may-ari ng lupa upang matukoy ang kabuuang bilang ng mga apektadong negosyo at mapag-aralan ang posibleng tulong sa mga naapektuhan ng sunog.

Kumikilos din ang iba’t ibang tanggapan ng lungsod para sa isinasagawang structural assessment, hazard mapping, sanitary inspection at clearing operations.

Uunahin ang paglilinis ng lugar upang mabawasan ang panganib sa kalusugan mula sa nasunog na mga paninda.

Prayoridad din ang inspeksyon ng linya ng kuryente para maibalik ang supply ng kuryente.

Nakaantabay ang ang QC Police District (QCPD), Department of Public Order and Safety (DPOS), City Veterinary Department at QC Transport and Traffic Management Department (QCTTMD) upang matiyak ang kaayusan ng lugar at maging ang daloy ng trapiko sa paligid ng insidente.