Rider2

Rider sumalpok sa kotse, tumilapon, nalagot

Jon-jon Reyes Apr 25, 2026
256 Views

Rider

Rider1
Ang motorsiklo na gamit ng rider na nasawi matapos sumalpok sa nakaparadang sasakyan sa Tondo, Manila. JONJON C. REYES

PATAY ang motorcycle rider na nawalan ng kontrol at sumalpok sa nakaparadang kotse sa Morga corner Sto. Cristo Streets, Tondo, Maynila noong Sabado.

Kinilala ni Police Capt. Joel Aquino, hepe ng Vehicle Investigation Section ng Manila Traffic Enforcement Unit ng Manila Police District, ang biktimang si alyas Alexander.

Nangyari ang insidente bandang alas-4:45 ng umaga sa westbound lane ng Morga St. malapit sa kanto ng Sto. Cristo St.

Sa imbestigasyon, binabaybay ng biktima ang kalye ng sumalpok sa kaliwang bahagi ng harapan ng Honda Civic.

Tumilapon ng ilang metro ang rider at bumagsak sa kalsada na nagdulot ng matinding pinsala sa katawan.

Naisugod pa sa Mary Johnston Hospital ang biktima ngunit idineklarang dead-on-arrival bandang alas-5:18 ng umaga.