Holdap Ang suspek habang hinoholdap ang mga biktima sa loob ng isang tindahan ng tsokolate na nakunan sa CCTV. Nakuhan din ang pagsakay sa motorsiklo ng nasabing holdaper nang tumakas. JONJON C. REYES

Holdapan sa tindahan sa Sta Cruz sapul sa CCTV

Jon-jon Reyes Apr 29, 2026
61 Views

Holdap1Holdap2

SAPUL sa CCTV ang pang-hoholdap ng isang lalaking naka-helmet na nagpanggap na kustomer sa tindahan ng tsokolate sa Felix Huertas St., Bgy. 341, Sta. Cruz, Maynila.

Ayon sa report ng pulisya, nangyari ang panghoholdap pasado alas 2 p.m. noong Abril 23, 2026.

Nakita sa CCTV na pumasok ang suspek at nagtanong kung magkano ang isang kahon ng tsokolate. Maya maya ay bumunot ito ng baril, nagdeklara ng holdup at pinaupo ang dalawag tindera.

Kinuha ng suspek ang kita ng tindahan mula at ang cellphone ng isang tindera.

Nagsumbong sa presinto ang mga biktima at isinalaysay ang nagyaring panghoholdap. Agad nagsagawa ng bac tracking operation ang mga kapulisan at nakita rito ang motorsiklo na ginamit ng mga suspek.

Patuloy ang ginagawang followup operation ng kapulisan ng MPD Sta Cruz Police Station 3.

Pinaigting rin ng mga barangay officials at tanod ang pagpapatrolya sa nasabing lugar.