BBM Larawan: Presidential Communications Office

PBBM sa mga manggagawa: Kayo ang backbong ng Republika

25 Views

NAGBIGAY-PUGAY si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga manggagawang Pilipino kasabay ng pagdiriwang ng Labor Day, kasabay ng panibagong pangako ng pamahalaan na palawakin ang oportunidad sa trabaho at palakasin ang proteksyon sa mga empleyado.

Sa kanyang mensahe, kinilala ng Pangulo ang mahalagang papel ng mga manggagawa sa pag-unlad ng bansa at iginiit na ang Araw ng Paggawa ay hindi lamang paggunita kundi panawagan sa pagtutulungan ng gobyerno at pribadong sektor.

“Today, we honor every member of our workforce whose hands carry the weight of our shared future—whether at sunrise, beneath the noonday heat, or in the long hours when the nation sleeps,” ani Marcos.

Dagdag pa niya, “As we face changing economic pressures, rest assured that this administration stands firm in defending the dignity of every Filipino by creating more and better jobs, boosting worker protection, and broadening pathways for all to succeed.”

Binigyang-diin din ng Pangulo na nananatiling mahalaga ang kakayahan at sipag ng mga Pilipino sa pag-usad ng ekonomiya sa kabila ng pagbabago sa teknolohiya at industriya.

“You are, and will always be, the backbone of our Republic,” aniya, sabay panawagan ng “Mabuhay ang manggagawang Pilipino!”