Lacson

Lacson kinondena mga maling paratang sa imbestigasyon sa bahanomalya

24 Views

SINABI ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” M. Lacson na karapatan ng publiko na mabigyan ng tama at sapat na impormasyon tungkol sa flood-control inquiry ng Blue Ribbon Committee, kasabay ng kanyang hakbang na dalhin sa plenaryo ang findings ng panel sa gitna ng tinawag niyang “false narratives” na selective umano ang imbestigasyon.

“There is an underlying reason for my decision — the Filipino people not only deserve to be updated but more so properly and accurately informed amid the false narratives being floated by some critics that we are being selective in going after the culprits in the flood control mess,” ani Lacson.

Sinabi ni Lacson, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, na ihaharap niya sa plenaryo ang flood-control findings ng komite sa pamamagitan ng Chairman’s Progress Report matapos ang ilang pagdinig sa isyu.

“I am decided to bring up in plenary the contents and more of what we have accomplished so far after seven or eight committee hearings,” ani Lacson.

Nauna nang kinuwestiyon ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang atensyong ibinibigay sa partial committee report, at sinabing dapat pagtuunan ng panel ang “the whole and bigger picture.”

Ipinaliwanag ni Lacson na ang pagpirma sa partial report ay hindi nangangahulugang lubos na pagsang-ayon sa nilalaman nito, kundi paraan upang maiharap ito sa plenaryo kung saan maaari itong pagdebatehan, amyendahan, at pagdesisyunan ng mga senador.

Dahil kulang pa sa kinakailangang pirma ang partial report para sa pormal na paghahain at sponsorship, sinabi ni Lacson na ihaharap niya ang Chairman’s Progress Report sa pamamagitan ng privilege speech.

Sinabi niya na ilalaman sa progress report ang laman ng partial report upang maging bahagi ito ng public record.

Sinabi rin ni Lacson na iginagalang at nauunawaan niya ang desisyon ng mga miyembro ng komite na hindi pumirma sa partial report, kabilang si Cayetano.

“While I disagree with those who do not want to sign, let me be clear that I respect and understand their individual decisions whatever their reasons are, including that of the minority leader,” ani Lacson.

Sinisilip ng Blue Ribbon Committee ang mga isyu kaugnay ng flood-control projects. Ayon kay Lacson, ang paghaharap ng ulat sa plenaryo ay maglalagay sa findings ng komite sa harap ng Senado at ng publiko habang nagpapatuloy ang deliberasyon sa usapin.