DOLE

TESDA inilipat sa ilalim ng DOLE

278 Views

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang paglipat sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa ilalim ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Sa pamamagitan ng Executive Order No. 5 ay aalisin na ang TESDA sa Department of Trade and Industry (DTI).

Nakasaad sa EO na ang kalihim ng DOLE ang magsisilbing chairperson ng TESDA Board.

Ang TESDA ang nangangasiwa sa paglikha ng mga technical education at skills development policy at isa sa mga ahensya na gumagawa ng mga hakbang upang mapunan ang skills na kailangan ng mga empleyadong papasok sa iba’t ibang kompanya sa bansa.