PBBM

Speaker Romualdez pinapurihan Pinoy community sa US dahil sa mainit na pagtanggap kay PBBM

Mar Rodriguez Sep 19, 2022
153 Views

PINAPURIHAN ngayon ni House Speaker Ferdinand “Martin” Gomez Romualdez ang Filipino community sa Estados Unidos (US) bunsod ng kanilang mainit na pagtanggap at ibinigay na suporta para kay President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Kasabay nito, kinilala din Speaker Romualdez ang napakahalaga at makabuluhang kontribusyon ng Filipino community sa Amerika para sa kaunlaran ng Pilipinas.

Sa pamamagitan ng “State visit” ng Pangulo sa US, nakipagkita si President Marcos sa libo-libong Filipino workers at Filipino migrants sa New Jersey Performing Center sa Newmark sa New Jersey bilang sideline ng “foreign trip” ng Pangulo upang dumalo sa 77th United Nations (UN) General Assembly sa Ney York City.

Kabilang si Speaker Romualdez at iba pang miyembro ng Philippine delegation sa UN na sumama kay Pangulong Marcos nang makipagkita ito sa mga kasapi ng Filipino community.

“Your warm welcome and expression of strong support certainly serve not only as an inspiration to our President but also an affirmation of the overwhelming mandate he carries as he engages with other world leaders to articulate our country’s position on some of the critical issues facing the world today,” sabi ni Romuldez.

Tiniyak din ni Romualdez sa mga miyembro ng Filipino community sa US ang buong pagsuporta ng liderato ng Kamara de Representantes sa mga programa ni Panglong Marcos sa pamamagitan ng pagpapa-ulnad sa ekonomiya ng bansa.