Alas asin, MAAP magtutulungan para sa barangay
Apr 20, 2026
Cavite City heat index umabot sa danger level
Apr 20, 2026
Outing nauwi sa trahedya; batang lalaki, 7, nalunod
Apr 20, 2026
Calendar
Nation
VP Sara OIC habang wala si PBBM
Peoples Taliba Editor
Sep 19, 2022
531
Views
SI Vice President Sara Duterte ang magiging caretaker ng bansa habang wala si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na dadalo sa ika-77 United Nations General Assembly.
Ito ang ikalawang pagkakataon na si Duterte ang magsisilbing OIC ng gobyerno. Una noong pumunta ang Pangulo sa Indonesia at Singapore.
Umalis si Marcos at ang kanyang delegasyon patungong Amerika Linggo ng umaga at inaasahang babalik sa bansa sa Setyembre 24.
Magsasalita si Marcos sa UN Assembly at inaasahan na iparirinig nito sa mundo ang boses ng mga Pilipino kaugnay ng iba’t ibang isyu.

