PAGKILALA KAY VIRATA
Oct 12, 2026
3 magkakaibigan binaril dahil pabalang sumagot, dedo
Oct 12, 2026
HVI huli sa P680K shabu
Oct 12, 2026
MED CARAVAN
Oct 12, 2026
Calendar
Nation
Libreng matrikula sa govt employees na gustong kumuha ng master’s degree isinulong
Mar Rodriguez
May 11, 2026
291
Views
ISINULONG ni Zambales 2nd District Rep. Doris Maniquiz ang panukalang batas para mabigyan ng libreng matrikula ang mga empleyado ng gobyerno na nagnanais kumuha ng master’s degree.
Ang paghahain ni Maniquiz ng Panukalang batas ay kasunod ng pagsusulong ng Senate Bill No. 2099 (Government Employees Free Master’s Degree Tuition Act) na inakda ni Sen. Loren Legarda na sumasalamin sa kaniyang panukala.
Ayon kay Maniquiz, matagal ng itinataguyod ang kaniyang panukala mula pa noong 19th Congress subalit nakabinbin pa rin at naghihintay ng deliberasyon sa House Committee on Higher and Technical Education (CHTE).
Sa ilalim ng House Bill No. 5847, sinabi ni Maniquiz na ang mga manggagawa sa pamahalaan o government employee, ay magiging kwalipikado para sa libreng matrikula sa alinmang State University and Colleges (SUCs) sa loob ng dalawang taon.
Upang maging kwalipikado sa programa, ang isang empleyado ay dapat mayroong limang taong serbisyo sa gobyerno bago mag-apply para sa libreng matrikula sakaling nais nitong kumuha ng master’s degree.
Nilinaw niya na sa panukalang batas ang saklaw nito ay limitado lamang sa tuition at hindi kasama dito ang miscellaneous at laboratory fees.
Nais ng kongresista na humubog ng mas bihasa, kompetitibo at epektibong civil service sa pamamagitan ng paggawa ng mas mataas na edukasyon na mas madaling maabot ng mga government employees.
I-CONVICT NA YAN!
Oct 12, 2026
Property developers may tie-up sa 4PH program
Oct 11, 2026
GENCORP NABIGONG IDEKLARA P1.049 KITA
Oct 11, 2026
