Bagong Senate leadership puwedeng managot sa batas kapag tumanggingg i-convene ang Senado bilang Senate Impeachment Court

Mar Rodriguez May 13, 2026
55 Views

๐— ๐—”๐—”๐—”๐—ฅ๐—œ๐—ก๐—š ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฝ ๐˜€๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ฑ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ฏ๐—ผ ๐—ฎ๐˜ ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฟ๐—ถ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—น๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฆ๐—ฒ๐—ป๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—บ ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—น๐˜‚๐—ธ๐—น๐—ผ๐—ธ ๐—ป๐—ฎ ๐˜€๐—ถ ๐—ฆ๐—ฒ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ฒ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—”๐—น๐—ฎ๐—ป ๐—ฃ๐—ฒ๐˜๐—ฒ๐—ฟ ๐—–๐—ฎ๐˜†๐—ฒ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ผ ๐—ธ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด ๐˜๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ถ ๐˜€๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ-๐—ฐ๐—ผ๐—ป๐˜ƒ๐—ฒ๐—ป๐—ฒ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐˜€ ๐—ป๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐—ฝ๐˜‚๐—น๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐—ฏ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—บ๐—ฝ๐—ฒ๐—ฎ๐—ฐ๐—ต๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—ฐ๐—ผ๐˜‚๐—ฟ๐˜, ๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ป๐—ด ๐—น๐—ฎ๐˜„ ๐—ฑ๐—ฒ๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐—ณ๐—ฒ๐˜€๐˜€๐—ผ๐—ฟ๐˜€ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€.

Ito ang kanilang matapang na babala laban sa bagong Senate leadership na maaaring ituring na krimen sakaling hadlangan nila ang pag-convene ng Senado bilang impeachment court para sa gagawing paglilitis kay Vice President Sara Duterte.

Kung saan, ipinahayag pa ng kanilang grupo na maaaring maglantad mga senador sa pananagutang administratibo at maging kriminal dahil tinanggihan nilang gumulong ang nasabing paglilitis.

Pagbibigay diin ng mga legal scholars na malinaw sa Konstitusyon na walang pagpipilian ang Senado kundi ang kumilos kapag naipadala na ng Kamara ang Articles of Impeachment na inaprubahan ng hindi bababa sa isang-katlo (1/3) ng mga miyembro nito.

โ€œDapat agad na magpatuloy ang paglilitis (Trial forthwith proceeds),โ€ diin ng mga propesor, habang binabanggit ang Artikulo XI, Seksyon 3 ng Konstitusyon,” ang pahayag ng grupo ng mga law dean at professors sa Pilipinas.

Idinagdag pa nila na ang malinaw na hangarin ng mga bumalangkas ng batas ay ang awtomatikong pag-usad ng proseso ng impeachment.

Dumating ang kanilang pahayag sa gitna ng tumitinding kontrobersya kasunod ng pagbabago sa liderato ng Senado kung saan napatalsik si Senate President Vicente โ€œTitoโ€ Sotto III at iniluklok si Senator Cayetano bilang bagong pinuno ng Senado sa mismong araw na inaasahang ipadadala ang mga artikulo ng impeachment laban kay Duterte.

Inakusahan ng mga propesor sa batas ang ilang senador na sinusubukang antalahin o itigil ang proseso ng impeachment sa pamamagitan ng mga “procedural maneuvering” at pagpapalit ng liderato.

โ€œKinokondena namin ang garapalang pagtatangka ng mga miyembro ng Senado na harangin ang impeachment trial ng Bise Presidente,โ€ sabi pa nila.

Ang “Escudero Definition” at Pananagutan sa Batas Partikular na binatikos ng mga lumagda ang tinawag nilang โ€œEscudero definitionโ€ ng terminong konstitusyonal na โ€œforthwithโ€ (kaagad).

Tumutukoy ito sa mga naunang pahayag ni Senador Francis Escudero na nagsasabing ang Senado ang may kapangyarihang magtakda ng oras ng paglilitis ayon sa sarili nilang kaginhawaan.

Pangatwiran ng mga propesor, ang ganitong interpretasyon ay sumasalungat sa mismong wika at diwa ng Konstitusyon.