Calendar
Panawagan ni Acidre sa bagong Senate President: Sundin ang idinidikta ng Konstitusyon
NANAWAGAN si Tingog Party List Rep. Jude A. Acidre sa bagong liderato ng Senado sa ilalim ng pamumuno ni Senate President Alan Peter Cayetano na sundin ang idinidikta ng Konstitusyon at ituloy ang paglilitis laban kay Vice President Sara Z. Duterte.
Pagbibigay diin ni Acidre, Chairman ng House Committee on Higher and Technical Education, na dapat ituloy ng bagong Senate leadership ang kanilang tungkulin sa pamamagitan ng paglilitis at pagpapasya kaugnay sa impeachment case laban kay Duterte.
Nauna na ng nagpahayag ng pasuporta si Acidre sa panawagan sa panawagan ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBPC) at Clergy for Good Governance (CCG) sa Senado na ituloy nito ang paglilitis laban kay Duterte.
Nagbigay ng magkahiwalay na pahayag ang CBCP at CCG na himihimok sa bagong liderato ng Senado na ituloy ang impeachment trial ni VP Sara at iwasan ang anomang hakbang o taktika para mapahina ang pananagutan nito sa bayan.
Dahil dito, sinabi ng kongresista na nagbabala rin ang mga Obispo laban sa pagkaantala o tangkang idiskaril ang impeachment trial sa Senado sapagkat malaki umano ang magiging pananagutan nbg mga Senador sa taongbayan.
Hinihimok ng mga Obispo ang mga Senador na iwasan ang anomang kilos na maaaring ituring na pag-iwas sa kanilang sinumpaang tungkulin at pagsunod sa Konstitusyon.
“Ginagawa namin ang apelang ito upang hindi maantala ang paglilitis at upang magtipon ang Senado bilang isang impeachment court sa lalong madaling panahon. Ang pagkaantala ng paglilitis ay pagkaantala ng katarungan para sa kapwa sambayanang Pilipino at para sa Pangalawang Pangulo,” pahayag ng mga Obisyo.
Ayon Acidre, iniutos na ng House leadership ang pagpapadala ng Articles of Impeachment sa Senado para sa pormal na pagsisimula ng Senate Impeachment Trial.
Iginigiit pa ng Party List solon na dapat magpatuloy ang prosesong Konstitusyon at kailangang dinggin ang mga ebidensiya.
“Tama ang CBCP at ang Clergy for Good Governance sa pagpapaalala sa Senado na hindi na ito tungkol sa politika o personalidad. Kundi tungkol sa tungkuling Konstitusyonal at pananagutan. Nagampanan na ng Kamara ang mandato nito,” ani Acidre.

