Calendar
Bagong Senate leadership puwedeng managot sa batas kapag tumanggingg i-convene ang Senado bilang Senate Impeachment Court
๐ ๐๐๐๐ฅ๐๐ก๐ ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฝ ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐๐ผ๐ป๐ด ๐ฎ๐ฑ๐บ๐ถ๐ป๐ถ๐๐๐ฟ๐ฎ๐๐ถ๐ฏ๐ผ ๐ฎ๐ ๐ธ๐ฎ๐๐ผ๐ป๐ด ๐ธ๐ฟ๐ถ๐บ๐ถ๐ป๐ฎ๐น ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด ๐น๐ถ๐ฑ๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐๐ผ ๐๐ฎ ๐ฆ๐ฒ๐ป๐ฎ๐ฑ๐ผ ๐๐ฎ ๐ถ๐น๐ฎ๐น๐ถ๐บ ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด ๐น๐๐ธ๐น๐ผ๐ธ ๐ป๐ฎ ๐๐ถ ๐ฆ๐ฒ๐ป๐ฎ๐๐ฒ ๐ฃ๐ฟ๐ฒ๐๐ถ๐ฑ๐ฒ๐ป๐ ๐๐น๐ฎ๐ป ๐ฃ๐ฒ๐๐ฒ๐ฟ ๐๐ฎ๐๐ฒ๐๐ฎ๐ป๐ผ ๐ธ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ด ๐๐๐บ๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ถ ๐๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ถ-๐ฐ๐ผ๐ป๐๐ฒ๐ป๐ฒ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ ๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐๐ฎ๐ฝ๐๐น๐๐ป๐ด๐ฎ๐ป ๐ฏ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ถ๐บ๐ฝ๐ฒ๐ฎ๐ฐ๐ต๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐ฐ๐ผ๐๐ฟ๐, ๐ฎ๐๐ผ๐ป ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฝ๐ฟ๐ผ๐บ๐ถ๐ป๐ฒ๐ป๐๐ฒ๐ป๐ด ๐น๐ฎ๐ ๐ฑ๐ฒ๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฟ๐ผ๐ณ๐ฒ๐๐๐ผ๐ฟ๐ ๐๐ฎ ๐ฃ๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐.
Ito ang kanilang matapang na babala laban sa bagong Senate leadership na maaaring ituring na krimen sakaling hadlangan nila ang pag-convene ng Senado bilang impeachment court para sa gagawing paglilitis kay Vice President Sara Duterte.
Kung saan, ipinahayag pa ng kanilang grupo na maaaring maglantad mga senador sa pananagutang administratibo at maging kriminal dahil tinanggihan nilang gumulong ang nasabing paglilitis.
Pagbibigay diin ng mga legal scholars na malinaw sa Konstitusyon na walang pagpipilian ang Senado kundi ang kumilos kapag naipadala na ng Kamara ang Articles of Impeachment na inaprubahan ng hindi bababa sa isang-katlo (1/3) ng mga miyembro nito.
โDapat agad na magpatuloy ang paglilitis (Trial forthwith proceeds),โ diin ng mga propesor, habang binabanggit ang Artikulo XI, Seksyon 3 ng Konstitusyon,” ang pahayag ng grupo ng mga law dean at professors sa Pilipinas.
Idinagdag pa nila na ang malinaw na hangarin ng mga bumalangkas ng batas ay ang awtomatikong pag-usad ng proseso ng impeachment.
Dumating ang kanilang pahayag sa gitna ng tumitinding kontrobersya kasunod ng pagbabago sa liderato ng Senado kung saan napatalsik si Senate President Vicente โTitoโ Sotto III at iniluklok si Senator Cayetano bilang bagong pinuno ng Senado sa mismong araw na inaasahang ipadadala ang mga artikulo ng impeachment laban kay Duterte.
Inakusahan ng mga propesor sa batas ang ilang senador na sinusubukang antalahin o itigil ang proseso ng impeachment sa pamamagitan ng mga “procedural maneuvering” at pagpapalit ng liderato.
โKinokondena namin ang garapalang pagtatangka ng mga miyembro ng Senado na harangin ang impeachment trial ng Bise Presidente,โ sabi pa nila.
Ang “Escudero Definition” at Pananagutan sa Batas Partikular na binatikos ng mga lumagda ang tinawag nilang โEscudero definitionโ ng terminong konstitusyonal na โforthwithโ (kaagad).
Tumutukoy ito sa mga naunang pahayag ni Senador Francis Escudero na nagsasabing ang Senado ang may kapangyarihang magtakda ng oras ng paglilitis ayon sa sarili nilang kaginhawaan.
Pangatwiran ng mga propesor, ang ganitong interpretasyon ay sumasalungat sa mismong wika at diwa ng Konstitusyon.

