Calendar
Naaresto ng PH, pwedeng iturn over sa int’l court
IGINIIT ng Department of Justice (DOJ) na may probisyon sa batas na nagpapahintulot sa Pilipinas na i-turn over sa international court o tribunal ang isang taong pinaghihinalaan o naaresto kaugnay ng isang kaso.
Paliwanag ni DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, nananatiling pareho ang posisyon ng kagawaran sa usapin ng pakikipag-ugnayan ng gobyerno sa International Criminal Court (ICC), kahit hinihintay pa ang magiging desisyon ng Korte Suprema.
Aniya, nakapaloob sa Republic Act 9851 ang posibilidad ng pagsuko ng isang indibidwal sa isang international tribunal. Bukod dito, maaari rin umanong gamitin ang extradition process sa ganitong sitwasyon.
Nauna nang sinabi ni NBI Director Melvin Matibag na kokonsulta ang National Bureau of Investigation (NBI) sa DOJ hinggil sa magiging hakbang kaugnay ng implementasyon ng warrant mula sa ICC.

