Tulfo

Senado di political theater — Tulfo

47 Views

HINDI lugar ang Senado para sa armed confrontation, pagpapakitang-lakas o political theater, iginiit ni Senator Erwin Tulfo, habang nanawagan ang mga senador ng katotohanan, pananagutan at aksyong institusyonal matapos ang putukan sa kapulungan noong May 13.

Sa sesyon nitong Miyerkules, sinabi ni Tulfo na “deeply alarming” ang nangyari sa loob ng Senado anuman ang panig sa pulitika at nagbabala na walang panig ang nananalo kapag humihina ang tiwala ng publiko sa mga institusyon.

“The Senate is not a venue for armed confrontation or competing displays of force or political theater. It is a constitutional institution governed by law, order, and respect for due process,” ani Tulfo.

Sinabi ni Tulfo na karapatan ng publiko na malaman ang buong katotohanan dahil milyun-milyong Pilipino ang nakasaksi sa kalituhang nangyari sa loob ng isa sa pinakamataas na institusyon ng bansa.

“Nakaabang na po ang taong bayan, and they have been waiting since Monday,” ani Tulfo.

Ayon kay Tulfo, hindi “drama, action o comedy” ang hinahanap ng taumbayan.

“They are asking for truth, accountability, and stability,” ani Tulfo.

Nilinaw naman ni Senator Risa Hontiveros na tunay ang sakit at takot na naramdaman ng mga senador, ngunit may tungkulin ang Senado na kumilos.

“Mr. President, as I said earlier. I deeply respect the emotions of our distinguished colleague. It is evident that the violence that breached our halls has profoundly affected all of us, and I don’t doubt the leadership’s personal distress over what transpired,” ani Hontiveros.

“However, when I stated that it feels now as though ‘walang nangyari,’ I was not speaking about our personal feelings. I was speaking about our institutional posture. Our grief as Senators is valid, but our mandate requires action,” dagdag niya.

Sinabi ni Senate President Alan Peter Cayetano na ang insidente ay emosyonal hindi lamang para sa mga senador kundi para sa buong bansa dahil Senado ng Pilipinas ang sangkot.

“This is an emotional issue not only for us but for the whole country, given this is the Senate of the Philippines,” ani Cayetano.

Ayon kay Cayetano, maraming senador ang nais magsalita tungkol sa usapin, ngunit hiniling niya na bigyan ng mas malawak na talakayan ang insidente sa Lunes upang maasikaso rin ng Senado ang iba pang mahahalagang trabaho.

“So may I ask as your Senate President na magbigayan tayo today. And if you want to put a lot of time on that on Monday, we can fully discuss,” ani Cayetano.

Sinabi ni Cayetano na bibigyan ng Senado ng sapat na pansin ang insidente, ngunit kailangang maging maingat ang kapulungan dahil sangkot dito ang demokrasya, mga ahensiya ng law enforcement, at ugnayan ng Executive at Legislative branches.

“But let’s do it with prudence, deliberately. We’re dealing with our democracy here. We’re dealing with law enforcement agencies, AFP, PNP, NBI, with branches of government, the Executive and the Legislative,” ani Cayetano.

Sinabi rin ni Cayetano na nakatanggap na ang Senado ng mga kahilingan para sa CCTV footage at naibigay na ito sa Philippine National Police. Dagdag niya, ibibigay din ang footage sa mga senador na hihiling nito, habang humihingi rin ang Senado ng kopya mula sa iba pang nakakuha ng video, kabilang ang media.

Ayon kay Cayetano, may mga bagay na hindi dapat talakayin sa publiko habang nagpapatuloy ang imbestigasyon dahil maaari itong magdulot ng higit pang alarma at kalituhan sa halip na linaw.

Sinabi rin ni Cayetano na tumawag si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang alamin kung ligtas ang mga senador at tiyakin umano, ayon kay Cayetano, na ang insidente ay hindi pag-atake mula sa Executive Department.

“I don’t doubt that. That’s why we’re waiting for the full investigation,” ani Cayetano.

Ayon kay Tulfo, iba’t ibang bersyon na ang kumakalat tungkol sa insidente, kabilang ang pahayag na “under attack” ang Senado, ang pagtanggi ng Executive sa anumang offensive operation, ang mga alegasyong kinasasangkutan ng Office of the Senate Sergeant-at-Arms at National Bureau of Investigation, at ang espekulasyong ginamit umano ang putukan bilang “smokescreen” para magpalitaw ng kalituhan o mapadali ang pagtakas.

Tinanggihan din ni Tulfo ang mga pahiwatig na dapat idawit ang mga miyembro ng minority bloc dahil lamang nakauwi na sila bago naganap ang gulo.

Ayon kay Tulfo, ipinaalam ng liderato ng Senado noong May 12 ang balak na magkaroon ng all-senators caucus, ngunit bandang 5:02 p.m. noong May 13 ay binago ito at ginawang “Majority-only” caucus.

“Naturally, members of the Minority who were no longer part of those internal deliberations eventually went home,” ani Tulfo.

“To suggest that the mere fact that some senators were responsible for what later transpired just because they had already left the premises is speculative, irresponsible, and unsupported by evidence,” dagdag niya.

Iginiit ni Tulfo na hindi dapat malimutan ang mga ordinaryong empleyado ng Senado na naipit sa gulo, kabilang ang rank-and-file workers, maintenance personnel, security personnel, clerks, media workers at iba pang staff na gumaganap lamang ng kanilang tungkulin.

“Yet they were the ones exposed to fear, confusion, and danger inside an institution where they should have felt secure. Some were traumatized. Some feared for their safety,” ani Tulfo.

“Hindi po sila scapegoats at lalong hindi collateral damage,” dagdag niya.

“Nakakahiya po, sa totoo lang, Ginoong Pangulo,” ani Tulfo.

Ayon kay Tulfo, dapat matukoy ng imbestigasyon ang legal na basehan ng pagpasok ng mga awtoridad sa bisinidad ng Senado, kung nagkaroon ng pormal na koordinasyon sa liderato ng Senado, kung ano ang naging mitsa ng putukan, kung may probokasyon mula sa alinmang panig, sino ang nagpaputok ng baril, anong mga hakbang ang ginawa upang maprotektahan ang mga senador, empleyado at media, at anong ebidensya ang nakalap.

“When law enforcement operations intersect with the authority, privileges, and internal security protocols of another branch of government, there must be clarity not confusion, restraint not escalation,” ani Tulfo.

Sinabi rin niya na may bigat ang panawagan ng publiko para sa isang impartial, independent at facts-based investigation.

“Mahalagang maitaguyod ang isang proseso na patas, transparent, at may kredibilidad sa mata ng publiko. Walang undue influence. Walang haka-haka,” ani Tulfo.

Nakisama naman si Senator Raffy Tulfo sa manifestation ni Senator Erwin Tulfo at nagtanong tungkol sa internal security procedures ng Senado.

Tinanong niya kung may standard operating procedure manual ang OSAA, kung may training ang mga miyembro nito sa paghawak ng baril, ano ang kanilang kwalipikasyon, at kung naiintindihan nila ang rules of engagement.

Sinabi ni Cayetano na itinala ang mga tanong at kokonsulta ang Senado sa minority kung ang usapin ay dapat hawakan ng isang standing committee o ng Senado bilang Committee of the Whole.

Sa kanyang privilege speech, sinabi ni Hontiveros na hindi maaaring magpatuloy ang Senado na tila walang nangyari matapos ang putukan.

“Hindi maliit na bagay ang nangyari dito, at lalong hindi dapat inaasa sa mga Facebook Live, press conferences at media interviews ang pagtatahi-tahi ng mga pangyayari,” ani Hontiveros.

Sinabi niya na umabot na sa puntong may maaaring magkasa ng baril sa harap ng mga sibilyan sa loob at paligid ng mga bulwagan ng Senado.

“Kahit kailan hindi yan nangyari sa Pilipinas kahit panahon ng kudeta, not even during the darkest days of Martial Law, did gunfire erupt within our halls,” ani Hontiveros.

Ayon kay Hontiveros, ang Senado, mula man sa pananaw ng majority o minority, ay nagtamo ng “profound injury” sa dignidad, kredibilidad at moral authority nito sa harap ng mamamayang Pilipino.

Sinabi ni Hontiveros na dapat magpatuloy ang imbestigasyon ng Department of Justice, Department of the Interior and Local Government at Philippine National Police, ngunit binigyang diin niya na lampas na sa pulitika ang insidente.

“Kapag may nagpaputok ng baril, right here in the People’s House, kapag naghasik ka ng takot sa mga empleyado, sa media, sa security personnel, at sa mga sibilyan, kapag may na-trauma dahil sa karahasan at umuuwing nanginginig at hindi mapakali sa sariling bahay, lampas na ito sa isyu ng pamumulitika,” ani Hontiveros.

“Pambabastos na yan at pang-aabuso sa lahat-lahat ng ipinagkatiwala sa Senado bilang mga lingkod-bayan,” dagdag niya.

Sinabi ni Hontiveros na may lugar sa demokrasya ang hindi pagkakasundo, ngunit hindi dapat nauuwi ang tunggalian sa agresyon, panghihiya o pagbabanta.

“Hindi na ito political disagreement, hindi na ito isyu ng kampihan,” ani Hontiveros.

“Yung mga pagbabanta, pambibintang, pananakit ng damdamin, hindi yan ang dapat ginagawang sukatan ng tapang,” dagdag niya.

Ayon kay Hontiveros, dapat ipakita ng Senado na ang hindi pagkakasundo ay hindi sumisira sa tungkulin para sa bayan at na ang institusyon ay may kakayahang bumangon.

“That is why we cannot act as though nothing happened last week. Alam natin ang tama at mali. Alam natin kapag may sumosobra na,” ani Hontiveros.

Nagbigay naman ng emosyonal na pahayag si Senator Pia Cayetano bilang tugon sa pahayag ni Hontiveros na tila kumikilos ang Senado na parang walang nangyari.

“Siguro po para sa inyong mga wala dito, pero para sa amin na nandito, napakaraming nangyari,” ani Pia Cayetano.

Sinabi niya na labis siyang natakot habang nangyayari ang insidente at pakiramdam niya ay kailangan niyang magpaalam sa kanyang mga anak.

“Takot na takot po ako na kailangan ko na magpaalam sa mga anak ko,” ani Pia Cayetano.

Ayon kay Pia Cayetano, dalawang pinto lamang ang pagitan ng kanyang staff sa putukan, habang ang Senate employees, media workers, security personnel at iba pang staff ay nalagay rin sa panganib.

“Yung media, yung Senate staff, yung hindi naman makauwi kasi sila ang security, sila ang elevator personnel natin, nandoon po sila,” ani Pia Cayetano.

Sinabi niya na wala siyang sinisisi, ngunit nasaktan siya na matapos ang insidente ay wala umanong nangumusta mula sa dating majority group.

“You have your own story, I respect that. But please respect my own story,” ani Pia Cayetano.

Iminungkahi ni former Senate President Vicente “Tito” Sotto III, ang minority leader, na i-refer ang usapin sa Committee of the Whole.

Sinabi ni Sotto na ito ay isang extraordinary remedy dahil may kinalaman ang insidente sa institutional security ng Senado, naapektuhan ang mismong chamber, at nabantaang institusyon.

“There are multiple Senate committees that are going to be involved — public order, justice, rules, ethics, even finance because of the procurement of the weapons allegedly that were used,” ani Sotto.

“So the Senate has a direct institutional stake, every senator. So this is not just majority or minority,” dagdag niya.

Sinabi ni Majority Leader Joel Villanueva na maraming senador ang nais magsalita at magreserba ng kanilang karapatan tungkol sa isyu, kabilang sina Mark Villar, Camille Villar, Senator Jose “Jinggoy” Estrada, Robinhood Padilla, Bong Go, Loren Legarda, Senator Sherwin Gatchalian at siya mismo.

Ayon kay Villanueva, napagkasunduan ng Senado na mas malawak na talakayin ang usapin sa Lunes.

Inilahad din ni Villanueva ang sarili niyang karanasan sa insidente.

“It’s really way, way different when you are here inside this Senate premise, especially during the time when we were inside that one room,” ani Villanueva.

“I would still recall the gunshots, the smell of gunpowder, and everything that we had experienced,” dagdag niya.