Hot News

Gatchalian handang palitan Sen. Alan bilang Senate president

127 Views

GatchalianGatchalian1HANDA maging Senate President si Sen. Sherwin Gatchalian kung hihilingin ng kanyang mga kasamahan at iboto siya.

Ginawa ni Gatchalian ang pahayag matapos ang leadership change na nagluklok kay Senate President Alan Peter Cayetano kapalit ni Sen. Vicente “Tito” Sotto III sa minority.

“We have been in the Senate for 10 years, we have been elected chairman of the economic affairs committee, energy committee, basic education committee, ways and means which is somewhat complicated, and most recently the committee on finance,” sabi ni Gatchalian.

Suportado ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan si Gatchalian sa isang FB post, kung saan sinabi niyang nais ng mga miyembro ng Solid Bloc 11 na maging Senate President si Gatchalian.

“Gusto naming lahat na kabilang ng SB-11, o Solid Bloc 11, na maging Senate President si Senator Sherwin ‘Win’ Gatchalian,” sabi ni Pangilinan.

Napatunayan ni Gatchalian sa deliberasyon ng 2026 national budget na kaya niyang protektahan ang pera ng bayan at tiyaking mapupunta ang pondo sa mga lugar na higit na nangangailangan nito.

“Kung prinsipyo ang pag-uusapan, may kakayahan, matatag, at patas si Sen. Win,” sabi ni Pangilinan.

Sinabi rin niya na maaaring pamunuan ni Gatchalian ang isang mas malawak at reform-oriented na Senado na mas balanse, mas may pananagutan, at katanggap-tanggap kahit sa ilang miyembro ng kasalukuyang mayorya.

Ayon kay Sen. Panfilo “Ping” Lacson, may mga pag-uusap hinggil sa isa pang posibleng leadership shift, at nababanggit ang pangalan ni Gatchalian bilang posibleng compromise choice.

Ikinukunsidera si Gatchalian dahil may mga senador na naniniwalang maaari siyang makatulong upang mapakalma ang sitwasyon sa kapulungan at mapaglapit ang magkakaibang bloc.

Inaayos ng Senado ang committee assignments matapos ang reorganization, kabilang ang pamumuno sa Blue Ribbon Committee at iba pang mahahalagang komite.

Nauna nang nanawagan si Gatchalian ng kahinahunan at responsableng pampublikong diskurso, kasabay ng babala na maaaring makaapekto sa investor confidence, piso at inflation ang matagal na tensyon sa pulitika.

“Malinaw na hudyat ito galing sa ating financial markets. Mahalagang magpakita ang lahat ng maayos na pampublikong diskurso na magiging kapaki-pakinabang at may pananagutan,” sabi ni Gatchalian.