Manila

Collab sa business, tourism, kultura ikinasa ng Manila, Moscow

Edd Reyes May 25, 2026
67 Views

LUMAGDA si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa isang kasunduan sa gobyerno ng Moscow na nakasentro sa turismo, kalakalan, kultura, edukasyon at pagpapaunlad noong Lunes.

Sakop din ng kasunduan ang pagpapabuti sa transportasyon, imprastraktura, kalusugan, proteksyong panlipunan at kapaligiran at kaligtasan ng publiko.

Ayon sa alkalde, makikinabang sa kasunduan ang mga residente ng Maynila dahil lilikha ng daan para sa mga mamamayan ang pagtutulungan ng dalawang lungsod.

“Manila has always been a city that embraces the world. Through this partnership with Moscow, we celebrate the power of culture and the arts to unite nations and build lasting understanding across borders,” pahayag ni Domagoso.

Hinimok din ng alkalde ang Russian counterpart at mga mamumuhunan na magnegosyo sa Maynila at bisitahin ang magagandang lugar sa lungsod.

Ipinabatid ni Sergei Cheryomin, Minister for External Economic and International Relations ng Moscow, na ito na ang ikalawang kasunduan na nilagdaan ng Manila at Moscow.

Inanyayahan ni Cheryomin ang alkalde na lumahok sa International Municipal Forum sa Moscow sa Nobyembre kung saan mahigit 100 bansa at 500 municipal leaders ang inaasahang magtitipon-tipon.