Bebot

Bebot na nangikil sa ex-jowa kulong

Arlene Rivera May 25, 2026
55 Views

NAARESTO noong Sabado ng mga pulis ang 26-anyos na college student na nangikil umano sa kasintahan niyang may-asawa na ibubunyag ang bawal nilang relasyon kung hindi siya bibigyan ng pera.

Nahuli si alyas “Jessica” sa entrapment ng mga miyembro ng Pasig police sa isang coffee shop sa Opal at Topaz Road sa Ortigas Center, Pasig City.

Inaresto ang suspek nang isumbong ng 36-anyos na umano’y dati niyang karelasyon na isisiwalat ang bawal na relasyon nila kung hindi siya bibigyan ng pera.

Ayon sa mga pulis, naging romantically involved ang dalawa noong 2024.

Sinabi ng biktima na P600,000 na ang naibigay niya sa suspek simula noong takutin siya nitong ibubunyag ang kanilang relasyon noong Marso 2026.

Nakakulong na ang suspek sa Pasig police custodial facility at nahaharap sa kasong robbery-extortion.