Mayor Malapitan

Mayor Malapitan pinarangalan mga nagtapos sa UCC College of Law

Edd Reyes May 25, 2026
70 Views

PINARANGALAN ni Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang 24 graduates sa University of Caloocan City (UCC) College of Law noong Lunes.

Binati ni Mayor Along ang mga nagtapos at hinangaan ang kanilang dedikasyon na nagdala sa kanila para lagpasan ang mapaghamong pag-aaral ng batas.

“The journey to become lawyers is not easy. Kung nahirapan kayo, hindi ito sinasadya kundi dahil ito ay paghahanda para sa lahat ng haharapin ninyo kapag kayo ay naging ganap nang mga abogado,” sabi ng alkalde.

Hinimok din niya ang mga nagtapos na manatili ang tiwala sa sarili habang pinaghahandaan ang Bar examination.

Pinasalamatan din ni Mayor Along ang mga magulang, professors, opisyal ng pamantasan at buong komunidad sa suportang ipinagkaloob sa mga estudyante at sinabing kumpiyansa siyang dadalhin ng mga ito ang mga pagpapahalagang itinanim sa kanila ng institusyon.