BBM5

PBBM nasolo si US Pres Biden

168 Views

TANGING si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. lamang ang lider na kinausap ni US President Joe Biden sa sidelines ng United Nations 77th General Assembly sa New York.

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles nasa 48 lider ng iba’t ibang bansa ang nag-request na makausap si Biden subalit tanging si Marcos lamang ang pinagbigyan nito.

“We understand that a lot of requests have been made to the US President, that it is significant that he spoke only with Marcos on the sidelines of the UN General Assembly,” sabi ni Cruz-Angeles.

Kasama sa pinag-usapan ng dalawa ang sitwasyon sa South China Sea kung saan nabigyan ng diin ang kahalagahan na manatili ang freedom of navigation at overflight sa lugar.

Ayon sa inilabas na pahayag ng White House nananatili ang commitment ng Amerika na ipagtanggol ang Pilipinas.

Pinag-usapan din ng dalawa ang pagpapalakas at pagpapalawig ng bilateral cooperation sa larangan ng enerhiya, climate action, at imprastraktura.