SWS

SWS: 88% ng mga Pinoy aprub sa pamumuno ni PRRD

36 Views

SA huling buwan ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay nanatiling mataas ang performance rating nito ayon sa survey ng Social Weather Station (SWS).

Sa survey na isinagawa mula Hunyo 26-29, 2022, nakapagtala si Duterte ng 88 porsyentong satisfied, 5 porsyentong undecided, 7 porsyentong dissatisfied.

Mas mataas ito kumpara sa nakuha ni Duterte sa survey noong Abril 2022 kung saan naitala ang 78 porsyentong satisfied, 9 porsyentong undecided, at 13 porsyentong dissatisfied.

Kinuha sa survey ang opinyon ng 1,500 respondents. Mayroon itong ±2.5 porsyentong sampling error margins.