Shabu Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Rommel Anicete ang mga suspek na nahuli dahil sa pag-iingat ng ilegal na droga sa Block 9, Brgy. 649, Baseco compound, Port Area, Manila.

P54K na shabu nakuha sa 2 drug suspek

Jon-jon Reyes May 28, 2026
44 Views

TIMBOG ang dalawang drug suspek na may dalang mahigit P54,000 na halaga ng shabu sa mga operatiba ng Manila Police District-Baseco police sa Block 9, Baseco compound, Brgy. 649, Port Area, Manila noong Huwebes.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Rommel Anicete, hepe ng MPD Baseco PS 13, ang dalawang suspek na sina alyas LA, 45; at Yas, 42.

Bandang alas-12:53 ng madaling araw nahuli ang dalawa ng magsagawa ng anti-illegal drugs buy bust ang mga tauhan ng PS-13, SDEU sa pangunguna ni P/Lt. Mark Jason Ramos sa pangangasiwa ni Anicete.

Nakumpiska sa mga suspek ang 8 gramo ng shabu na may halagang P54,400.

Inihahanda na ang kasong paglabag RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) laban sa mga suspek sa Manila City Prosecutors Office.