Calendar
Parak-QC kumilos; 174 crime suspek sinakote
UMABOT sa 174 suspek sa mga krimen ang naaresto ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) mula Mayo 24 hanggang 30.
Sa kabuuang operasyon, 63 drug suspects ang nasakote sa 47 anti-illegal drugs operations at nakumpiska ang hinihinalang ilegal na droga na nagkakahalaga ng P445,598.
Samantala, 68 wanted person ang nalambat sa manhunt, kabilang ang 35 most wanted at 33 iba pang wanted na indibidwal.
Nasa limang katao naman ang naaresto sa anti-illegal firearms operations kung saan limang baril din ang nasamsam.
Bukod dito, 38 katao ang dinakip sa 30 anti-illegal gambling operations at nakumpiska ang P64,279 na hinihinalang tayaan.
Kabilang sa mga naaresto si alyas Andy, na wanted sa kasong murder at 19 na taong nagtatago bago nadakip ng Eastwood Police Station (PS 12).
Nahuli rin si alyas Mitchelle na wanted sa kasong reckless imprudence resulting in physical injuries matapos umanong makaiwas sa pag-aresto sa loob ng 10 taon.
Ayon kay QCPD Director PBGen. Randy Glenn Silvio, patuloy nilang paiigtingin ang kampanya laban sa mga kriminal.

