Isko

Maghanda sa tag-ulan–utos ni Yorme sa mga tauhan

Edd Reyes Jun 1, 2026
20 Views

INATASAN ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang Manila Health Department (MHD), Manila City Disaster Risk Reduction and Management Department (MCDRRMD), Manila Department of Social Welfare (MDSW) at Department of Engineering and Public Services (DEPS) na paigtingin ang kahandaan sa tag-ulan.

Dapat tiyaking nakahanda ang kanilang mga tauhan, kagamitan, at mga plano sa pagtugon sa anumang epekto ng masamang panahon, sabi ng mayor.

“Make sure all our trucks and equipment are of service,” bilin ni Mayor Isko sa mga kinauukulang departamento.

Layunin ng lungsod na matiyak ang mabilis na pagtugon sa mga posibleng pagbaha, emergency, at iba pang sitwasyong maaaring idulot ng habagat upang mapanatili ang kaligtasan at kapakanan ng mga Manileño.

Iniutos din ni Mayor Isko sa Manila Police District (MPD) na paigtingin ang police visibility sa paligid ng mga paaralan upang matiyak ang ligtas at maayos na pagbubukas ng klase sa susunod na linggo.

Naglinis at nag-flushing na ang Department of Engineering and Public Works (DEPW) at Department of Public Services (DPS) sa paligid ng mga paaralan sa lungsod upang maging malinis at maaliwalas ang kapaligiran sa pagbabalik-eskwela ng mga estudyante.