Binatilyo, 15, sinaksak sa leeg ng cutter ng
Jul 15, 2026
Calendar
Metro
Driver nakorner dahil sa sexual assault, acts of lasciviousness
Edd Reyes
Jun 1, 2026
117
Views
INARESTO ng mga pulis ang 39-anyos na jeepney driver na wanted sa kasong sexual assault at acts of lasciviousness noong Lunes sa loob ng Paranaque City Hall.
Hindi na nakapalag si alyas Ernimel ng arestuhin dahil sa nasabing mga kaso dakong alas-11:55 ng umaga.
Isinampa laban sa kanya ng babaing kanyang naging biktima ang mga naturang kaso.
Sinabi ni Parañaque police chief P/Col. Nicolas Pinon na bitbit ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section ang arrest warrant na inilabas ni Paranaque Family Court Presiding Judge Moises Domingo De Castro ng Branch 10 kaugnay sa dalawang nabanggit na kaso.
Pansamantalang nakapiit sa custodial facility ng Parañaque City police ang akusado.
Binatilyo, 15, sinaksak sa leeg ng cutter ng
Jul 15, 2026
Pulis sinapak, dinuraan sa kaguluhan sa Malate
Jul 15, 2026

