8.91 kilos ng Kush nasamsam sa Pinoy galing Bangkok

Jun I Legaspi Jun 4, 2026
31 Views

ISANG Pilipinong pasahero mula Bangkok, Thailand ang naaresto sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 noong Hunyo 4 matapos matuklasan ng Bureau of Customs (BOC) ang 8.91 kilos ng hinihinalang marijuana o Kush na nakatago sa kanyang checked baggage.

Ang naturang kontrabando, tinatayang nagkakahalaga ng P13.365 milyon, ay nadiskubre sa pamamagitan ng routine X-ray screening at nakumpirma matapos magbigay ng positibong alerto ang K9 unit ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ang mga nakumpiskang droga ay isinailalim sa kustodiya ng mga awtoridad para sa mas malalim na pagsusuri at imbestigasyon.

Pinaigting ng BOC at PDEA ang operasyon laban sa drug smuggling upang matiyak ang kaligtasan ng publiko at mapigilan ang pagpasok ng ilegal na droga sa bansa.