NHA

NHA namigay ng tig-P30K sa mga nasunugan sa Parola

Jun I Legaspi Jun 4, 2026
36 Views

NHANAMIGAY ang National Housing Authority (NHA) noong Hunyo 3 ng tulong pinansyal sa natitirang 1,133 pamilya na nasunugan sa Parola compound, Tondo, Maynila noong Mayo 23.

Sa pamamagitan ng Emergency Housing Assistance Program (EHAP), ang bawat pamilyang nasunugan ay nakatanggap ng P30,000 upang masuportahan na makapagsimulang muli ng kanilang mga tahanan.

Bilang kinatawan ni NHA General Manager Joeben A. Tai, pinangunahan ni Assistant General Manager Alvin Feliciano ang aktibidad na huling bahagi ng distribusyon ng cash assistance mula sa EHAP para sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog sa Brgy. 275, Zone 25, Parola compound sa Tondo, Manila.

Sinimulan ng NHA ang pamimigay ng ayuda para sa may 1,000 apektadong pamilya na nagkakahalaga ng P63,990,00.

Ang pamamahagi ng tulong pinansyal na ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Namahagi rin ng EHAP ang NHA NCR-North Sector Office, sa pangunguna ni Officer-in-Charge Engr. Wenson O. Reyes, para sa 84 pamilya sa Valenzuela, Malabon at Navotas noong Hunyo 3-4, 2026.

Ang EHAP ay isa sa mga pangunahing programa ng NHA na naglalayong magbigay ng tulong pinansyal sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog, baha at lindol.