ICC

De Leon: ICC arrest warrants ilalabas na vs sangkot sa Duterte drug war

28 Views

DAPAT maghanda ang publiko sa mga susunod pang salvo ng International Criminal Court (ICC) dahil lalabas na ang mga warrants of arrest laban sa iba pang kasali sa madugong drug war ng nakalipas na Duterte presidency.

Paalala ito ni Team Pinas convenor Atty. Dino de Leon said noong Sabado.

“Kahit anong performance, kahit na anong gawin sa Duterte street, kahit na anong atake ng vice president of a sovereign country sa ICC, hindi ‘yan magpapatinag,” babala ng abogado.

Naniniwala si De Leon na “sealed” pa ang mga warrants. Sealed lang as of the moment para ang expectation ko may warrants of arrest or lalabas ‘yan anytime,” sabi niya.

Naniniwala siya na hindi nag-iisa si dating pangulong Duterte sa mga mananagot sa drug war.

“So you cannot be a co-perpetrator sa ICC tapos papabayaan ka ng ICC. The mere fact na pinangalanan ka ng co-perpetrator means the warrant of arrest will be forthcoming.

Ako ang expectation ko, Bong Go’s warrant of arrest is already there, and it’s going to be a matter of time before he also gets arrested,” babala pa niya.

Tinawag niyang spade a spade ang bwelta ng ICC at hindi pulitika ang ugat.