Sara

VP Sara sumagot ka po sa alegasyon sa ‘yo; ‘wag magmala-artista

31 Views

HINILING ni Team Pinas convenor Atty. Dino de Leon kay Vice President Sara Z. Duterte na sagutin ang mga impeachment allegations laban sa kanya imbes na mag-drama o magpa-victim na parang bida sa soap opera.

Ayon sa grupo: “the public should no longer be distracted by theatrics and side issues.”

Sa News Forum sa Dapo Restaurant sa Quezon City, pinayuhan ni Atty. De Leon ang Duterte legal team na tigilan na ang drama na mala-Koreanovela ang peg at bagkus sagutin ang mga paratang laban sa kanya.

“Alam po naming, mga mamamayan, at tayo naman, kapwa abogado, kung palabas o hindi, kung theatrics o hindi.

Ang dami-dami pang maleta na pare-parehong mamahalin – ang laman ng mga maleta, supposedly, ang answer, pero wala naman palang laman,” sabi ni de Leon.

Ang pinakamatinding dapat sagutin ni VP Sara, ayon sa abogado, ang kanyang financial declarations at mga bank transactions.

“So please lang ang appeal ako, sagutin ninyo ang alegasyon. Bakit zero ang cash declaration mo sa SALN mo at ano itong P6 billion na mahigit labas-pasok sa bangko mo?” tanong ng abogado.

‘Yan ang sagutin ninyo. Siguro naman kasi baka walang sagot.”