Pagtatayo ng bicycle lane network pasado sa Senado

226 Views

PASADO na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang panukala na naglalayong magtayo ng network ng kalsada na madaraanan ng mga nagbibisikleta.

Walang tumutol sa pagpasa ng Senate Bill 1290 na nakatanggap ng 21 boto.

Sa ilalim ng panukala, isang Safe Pathways Network ang ilalatag para sa mga nagbibisikleta at gumagamit ng electric personal mobility devices.

Kasama rin sa itatayong network ng kalsada ang pedestrian walkway para naman sa mga naglalakad.

Ang kakailanganing pondo ay kukunin sa pondo ng mga lokal na pamahalaan para sa imprastraktura at pondo ng Department of Transportation at Department of Public Works and Highways.