Luistro

Mga Pinoy magagalit ‘pag impeachment trial ni VP Sara ‘di matutuloy–mambabatas

Mar Rodriguez Jun 8, 2026
39 Views

NAGBABALA si House lead prosecutor Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro na sasabog ang galit ng mga Pilipino kapag hindi natuloy ang paglilitis ng Senado laban kay Vice President Sara Duterte.

Matagal nang naghihintay ang publiko ng mga kasagutan sa mga alegasyong ibinabato laban kay Duterte kinabibilangan ng mga banta, confidential funds, suhulan at tagong yaman, sabi ng mambabatas.

“Magagalit ang mga tao. ‘Yun ang klaro,” sabi ni Luistro.

Ang sentimyento ng publiko na sumusuporta sa pagpapatuloy ng impeachment trial hindi maaaring manatiling nakabitin habang abala ang Senado sa mga panloob na isyu sa pamumuno, dagdag ng kongresista.

“Because the survey already shows the supermajority of the Filipino people who are waiting for this trial. From my last recollection, 74 percent ng mga Pilipino ang gustong-gustong matuloy na itong impeachment trial na ito,” wika ni Luistro.

Sabi din ng kongresista na ang mga articles of impeachment na nasa Senado ngayon ay tumatalakay sa mga isyung matagal nang dapat sinagot ni Duterte at kailangan nang suriin sa isang konstitusyonal na forum.